Shalang lalagyan ng mga sauce ni manong fishball, nagpabilib sa netizens!

Kung ang ibang naglalako ng fishball ay nilalagay lang ang mga sawsawan sa mga ordinaryong bote, isang manong ang nagpabilib at umaliw sa netizens dahil sa sosyalin na water tumblers na gamit nito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Ngayon, hindi na lang basta pang hydration purposes ang mga water bottles na may iba’t ibang kulay at design, dahil ito na rin ang sumisimbolo ng estado sa buhay. Aba, sosyal ka na talaga kapag may bitbit-bitbit ka nito kahit saaan-sa gym, sa eskwelahan, sa opisina, sa mall at pati na rin sa mga kainan.

Kaya naman humakot ng samu’t saring reaksyon at katatawanan mula sa netizens ang isang litrato na viral sa Facebook tampok ang isang manong na naglalako ng fishball dahil sa kanyang sosyaling lalagyan ng mga sawsawan.

Kung nakasanayan na ang mga sawsawan ay nakalagay sa walang takip na mga bote o simpleng plastic container, ang mga lalagyan ni manong ay AquaFlask, isang sikat na Filipino-American brand.

At hindi lang isa, kundi tatlong bote ng AquaFlask—may kulay dilaw, ube at rosas para sa suka, matamis, at maanghang na sawsawan.

“Wala nanga makain sa bahay tas makikita ko pa yung pinag ipunan ko na AquaFlask lagayan lang sauce ni kuya,” saad ng isang netizen na si Ethan Smith sa kanyang caption.

Kinaaliwan naman ng mga netizens ang gimik ni manong:

“Panghakot yarn galing ng idea ni Kuya”

“Oii since name maintain ang init inside Aquaflask, perfect sya lalagyan ng sauce”

“ung gusto mo ng gnyng lagayan ng inumin tapos ksy kua…huhu..lagayan lng ng sauce…”

“Para daw yung sauce laging mainit”

“Malinis c brother ayaw nya kanya kanya sawsaw”

“Social nmn ni kuya masyado spoiled ang buyer”

Courtesy: Ethan Smith FB