Kung kapos ka sa budget sa Bagong Taon, may paraan pa rin naman na mapagkasya ang konting pondo para mairaos ang handa sa Media Noche. Gamit ang mga tips ni Chef Marky noong Noche Buena, ang hapag at ang tiyan ay maaari pa ring mabusog sa masarap na simpleng handa kasama ang mga pamilya at kaibigan.
Sa pagpunta ni Chef Marky sa grocery, ang mga inilagay niya sa kanyang cart ay cabbage, garlic, sweet ham, 400 grams ng giniling, all-purpose cream, fruit cocktail, spaghetti noodles, green peas, Knorr cubes, at Buttercup, na umabot sa presyong Php499.25 .
Ngunit hindi lang mga pangkaraniwang dishes ang inihanda ni Chef Marky dahil minsan lang naman talaga maghanda ng sama-sama ang buong pamilya. Itinuro niya kung paano gumawa ng cabbage rolls, spaghetti with creamy ham and peas, fruit salad, at sweet ham na ginawang hamon de bola gamit din ang mga ingredients ng mga unang dishes.
Ang sosyal, at lahat ng iyan ay nagawa lang sa presyong Php500 at kakasya na sa limang katao.