Shala! Mga alagang aso, mas mahal pa ang pamasahe sa bagong airline para sa mga hayop

Hindi na kailangang mahirapan ang mga alagang aso sa cargo area ng eroplano dahil may sosyal na flight na para sa kanila.

Hindi na kailangang magdusa ang mga alagang aso sa cargo hold ng mga eroplano dahil sisimulan na ang byahe ng BARK Air, isang espesyal na airline na maglilipad sa mga pinakamamahal na aso mula sa New York, Los Angeles at London mula sa susunod na buwan.

Medyo may kamahalan ang price tag ng pamasahe ng isang pares ng mag-amo dahil maaaring umabot ang round trip ticket sa $16,000 USD.

Ang isang one way trip mula sa Westchester County Airport sa New York hanggang sa Van Nuys Airport sa Los Angeles ay maaaring umabot sa $6,000 USD at kung mula sa LA hanggang sa London Stansted Airport naman ay maaari itong pumatak ng $8,000 USD.

Sulit naman daw ang magiging experience dahil mula pa lang sa booking ay may makakatuwang na na Bark concierge na nakatokang kumuha ng mga importanteng detalye tungkol sa four-legged pawsengers para maging masaya at komportable ang kanilang biyahe.

Ang isang biyahe din ay maikukumpara din sa isang first class na flight sa regular na airline kaya’t siguradong alagang-alaga ang inyong furbabies sa ganitong klaseng flight. Inaasahang magsisimula nang lumipad ang BARK Air simula Mayo 23.

“We are excited to take the insights we’ve learned over years to create an experience that is truly dog-first, which is drastically different from just accepting dogs — from the ground to the skies,” Matt Meeker,” ani co-founder and chief executive at BARK, sa isang press release nitong linggo.

(Courtesy: cdn.shopify.com)