‘Shake Rattle and Roll’ halimaw FTW! Bagets na nag-costume bilang Undin, bumuhay sa takot ng 90s babies

Winner sa isang costume contest ang isang bagets na ginawan ng ultimate Undin costume ng kanyang ina.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga batang 90s, isa ang Undin sa pinaka iconic na halimaw na nagmula sa “Shake Rattle and Roll” franchise pero para sa mga bagets ngayon, malamang ay hindi na nila gets and pagka-epic ng karakter na ito.

Ito na nga ang nangyari nang tawagin sa stage ang isang bagets sa isang costume contest kung saan todo career ng kanyang mama ang kanyang Undin costume. Sa sobrang career, mistulang ang inidoro kung saan lumilitaw ang Undin ay ginawan din ng props ni madir.

Kahit na bilib na bilib ang mga tao sa kanyang costume ay tila hindi naiintindihan ng bagets kung bakit pinagkakaguluhan siya ng lahat, habang ang kanyang mommy ay proud na proud naman sa kanyang “masterpiece.”

“Isa sa mga tumakot ng kabataan ko hayorp😹😹”

“Ay grabe napaka unique iyon style niya tama lang na sya ang first winner”

“Winneeeeer!😆”

“Only 90s babies relate for this lol 😂 I remember takot na takot ako pumunta sa banyo ahahah”