Shaira Diaz may masayang hirit sa kanyang matiyagang groom sa araw ng kasal

Matapos ang 12 years na relasyon ay ganap nang mag-asawa sina Shaira Diaz at EA Guzman kaya’t patok na patok ang hirit nila sa kanilang wedding vows.

“Magiging masaya ka na mamya.” Iyan ang naging hirit ng “Unang Hirit” host na si Shaira Diaz sa kanyang groom na si EA Guzman sa araw ng kanilang kasal.

Kahit mukhang inosente ang banat ng TV host, marami pa rin ang nakaintindi sa double meaning ng kanyang sinabi dahil alam nilang may kinalaman ito sa honeymoon ng dalawa.

Nauna na kasi silang umamin na sine-save ni Shaira ang kanyang sarili para sa kanyang magiging asawa at 12 na taon siyang hinintay ni EA bago ito tuluyang nangyari.

Bukod naman sa kanilang wedding night ay talagang naging meaningful ang big day ng dalawang magsing-irog dahil very heartfelt ang kanilang vows sa isa’t isa. Present din ang mga taong malalapit sa kanilang puso para mag-celebrate ng kanilang pag-iisang dibdib.

Umulan din ng well wishes sa comments section dahil bibihira na daw ang couple na tulad nina EA at Shaira sa panahon ngayon.

“Celibacy practice until the wedding day. Meron pa palang ganito sa panahon ngayon. Best Wishes for both of them. Cheers”

“Sana sa first honeymoon nila jan na mabuo si baby”

“Congratulations, Mr. and Mrs. Guzman! Grabe ang pagpipigil ninyo! You both deserve to be happy. May God bless your marriage!”