Shadow play para sa Asoka Challenge? Kayang-kaya ng isang vlogger

Aliw ang mga netizens na kakaibang atake ng isang vlogger para sa kanyang entry sa Asoka challenge.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Marami nang Pinoy ang nakiuso sa Asoka Make Up Challenge pero may isang kakaibang entry ang vlogger na si Ace Phillip Jose Gallit na nagpabilib sa kanyang ibang atake. Imbes kasi na mag makeup, dinalihan niya ng shadow puppetry ang kanta.

Habang tumutugtog ang kantang Indian sa background, iba’t ibang hugis, tao at bagay ang nagawang gayahin ni Philip galing ang anino ng kanyang kamay.

Nagsimula siya sa ilang bersiyon ng mga taong nagsasalita hanggat sa naging aso, usa, pato, ibon at iba pa ang umeksena sa kanyang show.

Ang kinaaliwan ng mga netizens ay ang mga kakaibang anino na kanyang nagawa na bago sa paningin ng mga nanonood ng shadow puppets.

(facebook.com/philipjose.galit)

“Galing nmn tlg ni idol”

“Kagaling naman sadya”

“Husay naman talaga!”