Service dog ni Miss Dallas Teen USA, binigyan ng sariling korona

Loyal service dog is rewarded for loyalty and service when furmom is crowned Miss Dallas Teen USA.

Sa hirap at ginhawa ay palaging magkasama ang mag among si Alison Appleby at ang kanyang alagang si Brady, isang asong tumatayong epilepsy alert dog para sa kanyang amo.

Habang nasa kumpetisyon ay kasama ni Alison si Brady sa kanyang pagrampa dahil sa kanyang kundisyon kaya’t hindi naman nagtaka ang mga tao na hindi din ito umalis sa kanyang tabi maging sa oras na siya ang kinoronahan bilang winner ng kumpetisyon.

Siyempre, dahil panalo ang kanyang bossing, hindi naman kinalimutan ng mga hurado ang tapat niyang alaga. Binigyan din ito ng sarili niyang korona bilang pasasalamat sa mga tulad niya na tumutulong sa mga taong may karamdaman na tulad ng kay Alison.

Dahil sa good vibes nilang dala, pinusuan ng libo-libong netizen ang video kung saan tinanggap ni Alison at Brady ang kanilang mga korona bago maglakad sa entablado bilang mga nagwagi sa patimpalak.

“Love this!”

“Beautiful,” turan ng ilan.