Senior power! 70-anyos na lola, rarampa sa Mutya ng Taguig 2024

Hindi uurong sa rampahan ang isang lola sa Taguig para masungkit ang korona ng Mutya ng Taguig!

Para sa 70-anyos na si “granny” Rhonda Felizmeña, hindi hadlang ang edad para makipagtagisan sa entablado kasama ang mas mga batang beauty queens.

Si Lola Rhonda o “Mutya Granny” ang kakatawan sa Barangay Pitogo sa nalalapit na Mutya ng Taguig 2024 na gaganapin nitong May 25.

Nagbigay daan ang pagtanggal age restrictions para makalahok siya sa beauty contest ng siyudad. Aniya, hindi na siya nagdalawang isip na sumali nang hikayatin siya ni Barangay Pitogo kagawan Jay Montallana na sumali sa beaucon, ayon sa kanyang panayam sa Manila Bulletin.

Wala na nga raw urungan kahit nakita niya na puro kabataan ang kanyang mga kasama. “Pero nandito na e. Kinausap naman ako ng organizer ng Mutya na ‘ok lang as long as kaya mo… Doon ko nakita na ako lang pala ang naging senior. Karangalan ko lang din na mapasama ako sa kanila,” ani Lola Rhonda.