Naging matagumpay ang taong 2024 para kay Kathryn Bernardo na bukod sa sunod-sunod ang endorsement at isinemento na din ang kanyang estado bilang box office princess ng Pilipinas para sa pangmalakasang pagtabo sa takilya ng kanyang pelikulang “Hello Love Again.”
Kaya naman aliw na aliw ang kanyang mga tagahanga na kahit na sobrang successful niya ay naniniwala pa rin siya sa mga pamahiin tulad ng pagkain ng ubas sa ilalim ng lamesa sa pagsapit ng Bagong Taon.
Sa Instagram Story ng kanyang inang si Min Bernardo na ishinare din ng kanyang mga fans, kitang-kita ang pagka-down to earth ni Kath na walang kaarte-arteng lumusot sa ilalim ng mesa para kumain ng ubas.
Hindi din nakalimutan ni Kath na tumalon para lalo daw tumangkad sa bagong taon.