Seating arrangement sa isang Edsa bus base sa relationship status patok sa mga pasahero

Seating arrangement sa isang bus nagdala ng good vibes sa mga pasahero at pati sa mga netizens.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Benta sa mga netizens ang video ng isang konduktor ng bus na nagpapatupad ng seating arrangement.

Pero hindi gaya ng kadalasang arrangement na kung sino maunang bababa ang nasa bungad ng bus, ang seating arrangement sa bus na ito na bumabyahe sa EDSA Bus Carousel ay nakabase sa relationship status ng mga pasahero.

Sa post sa Tiktok ng netizen na si Prima, makikita ang konduktor ng isang double decker bus na may hawak na karatula na nagsasabi ng seating arrangement sa mga pasahero.

“Wala jowa, 1st floor. May jowa, akyat sa 2nd floor. Single mom, sa tabi ng driver,” sabi ng mga karatula ng konduktor.

Makikita din sa video na nagbibigay ng instructions sa mga sumasakay na pasahero kung saan sila dapat maupo.

“Huwag ka uupo kung saan saan. Mahirap umuupo kung saan saan. Maiinggit ka lang dun. Lahat ng single dito sa unang palapag para di tayo maiinggit sa kanilang mag jowa na naglalambingan,” ani konduktor.

@joceeeellll

As per sir, wag niyo na daw pansinin yung uniform niya kase nag dadiet na daw siya nakakalimutan niya lang kase busy siya mag drive 😂 Last trip na nila, but they still manage to spread positivity and good vibes despite of a long tiring day. Thank you for ending our day with smiles and laughter. KUDOS TO YOU SIR!!! ❤️

♬ the psycho intro gone wrong ㅠㅠ – Arielle

Ayon kay Prima, last trip na ng bus ang natyempuhan niyang sakyan pero hindi nito napigilan ang konduktor na magpangiti sa mga pasahero.

“Last trip na nila but they still manage to spread positivity and good vibes despite of a long tiring day. Thank you for ending our day with smiles and laughter. KUDOS TO YOU SIR!” sabi ni Prima.

Dagdag pa ni Prima, tuwang-tuwa naman ang mga pasahero sa kakaibang trip ng konduktor lalo pa at sinabi naman niya na biruan lamang ito.

“This is for entertainment purposes only, and nagsabi naman si sir na biruan lang and for the record halos lahat naman nakisakay sa trip ni sir,” ayon kay Prima.

Maging sa mga netizens ay patok na patok ang pampa-good vibes ng konduktor.

“may seating arrangements na Pala SA bus HAHAHA”

“medjo masakit kuya ahh pero San Po uupo ung umaasa lang pala”

“Abangan niyo nalang si kuya sa edsa carousel”

“San kuya upuan ng heartbroken?”

“parang kahit wala ako lakad gusto ko magcommute? baka andyan na yung the one? hahaha”