SEA Pop rise! SB19 nagbigay ng clue sa malulupit na collab na lalabas ngayong buwan

Excited na ang mga fans na marinig ang collab ng Malaysian singer na si Aruma at ng SB19.

Kahit natapos na ang Day 1 at Day 2 ng “Simula at Wakas” World Tour kickoff ng SB19, mukhang marami pa ring sorpresa ang inihanda ng Mahalima para sa mga A’TIN.

Sa kanilang concert, may naka flash na dalawang music collabs na ibabagsak sa June 27 at June 30. Yun nga lang blurred pa ito at mukhang sikretong malupit hanggang hindi nangbibigay ng clue sina Pablo, Stell, Ken, Justin at Josh.

Sa isang bagong post, confirmed na ang June 27 release ay ang MAPA Bahasa version na tampok ang sikat na Malaysian artist na si Aruma.

Sa ilang comments, mukhang may ilang fans ang nag-pupush ng isa pang collab ng K-pop deaf group na Blue Ocean kasama ang SB19 ngunit wala pang katiyakan ito.