SB19 kinailangan magbukas ng bagong section para sa Taipei concert dahil sa demand ng Taiwanese fans

Para mapagbigyan ang kanilang mga bagong Taiwanese A’TIN, nagbukas ng panibagong section ang “Simula at Wakas” World Tour sa Zepp Arena.

New section unlocked ang nangyari sa Zepp Arena sa Taipei kung saan kinailangan magbukas ng bagong section para sa “Simula at Wakas” World Tour ng SB19 sa Taiwan sa June 29.

Nauna nang nag-announce ang 1Z Entertainment na agad na na-sold out ang unang stop ng kanilang world tour sa Taipei. Kaya naman ngayon ay binuksan na ang Balcony Standing section dahil sa laki ng demand ng mga fans na nais manood kina PABLO, Stell, Ken, Josh, at Justin ng live.

Matatandaang maraming napabilib ang Mahalima matapos ang kanilang 13-minute performance sa HITO Music Awards sa Taiwan bilang kauna unahang P-pop act na naimbitahan sa prestihiyosong event.

Nag-trending din sila at nag No. 1 sa Taiwan matapos ang kanilang epic medley ng DAM, DUNKA at GENTO.