SB19, hindi nagpaawat sa paghakot ng parangal sa Wish Music Awards

Winner sa ballad, pop at collab ang Kings of P-pop SB19 sa ginanap na Wish Music Awards.

Hakot kung hakot ang atake ng SB19 sa kagaganap lang na Wish Music Awards.

Wagi ang P-pop kings sa limang kategorya kabilang na ang Ballad Performance of the Year para sa “TIME,” Pop Performance of the Year para sa “DAM,” Pop Song of the Year para sa “DUNGKA!,” Song Collaboration of the Year para sa “Umaaligid.”


Nagparamdam din ng pwersa ang mga A’TIN para iangat ang kanilang Mahalima bilang Wisher’s Choice.