Pinabilib ng isang magbabarkada ang kanilang mga viewers sa naisipan nilang “fee” na dapat gawin bago makasalo sa inuman at kainan. Ang kailangan? High energy na dance bilang “bayad” sa kanilang pagsalo sa mga nakahain.
Aliw ang mga netizens sa sobrang high energy na sabayang pagsayaw ng isang magto-tropa habang nakapalibot sa lamesang puno ng handa. Anila, dapat ganito ang level ng performance ng bawat isa at kung papatay-patay ay hindi makakakain.
Pag ganito din kataas ang energy, paniguro ding maraming makakain ang bawat isa dahil sa pagod.
“Wooow nice moves sugar ..”
“Amazing idea enjoy every minutes before eating and drinking😂😂”