Sana ol! BINI, nakatanggap ng papuri mula kay EXO Lay; Colet, successful EXO-L!

Kinainggitan ng mga EXO-L sa Pinas ang BINI dahil bukod sa nakausap na nila ng personal si Lay Zhang ay nakapag fangirl moment pa sila sa Chinese Kpop idol.

Ibang level ng saya ang natamo ng BINI matapos nilang mag guest sa Chinese talent show na “Show It All” kung saan isa sa sa mga judges at si Lay Zhang ng K-pop group na EXO.

Sa backstage matapos ang kanilang performance ay makikitang nakipagkuwentuhan pa sa kanila si Lay at tinanong sila kung nagugustuhan ba nila ang kanilang stay sa China. Ngunit ang pinakamasaya ay si BINI Colet na dati pa palang fan ng EXO.

Siyempre, nakapagmoment din ang EXO-L BINI, nakapagpa-autograph at selfie sa kanyang idol.

@direk.lauren #BINI @Colet Vergara 's fangirl moment with LAY of #EXO!:) @BINI PH @Jhoanna Robles @Maloi Ricalde ౨ৎ @Sheena Catacutan @Aiah Arceta @Mikha @Stacey Sevilleja @Gwen Apuli #layzhang #showitall #biniph #pantropiko ♬ Pantropiko – BINI

Sa katunayan, sa sobrang saya ng BINI members ay nakalimutan pa nilang ibalik ang telepono ni Direk Lauren Dyogi.

“Isang malaking sanaol colet huhuhu! Happy for you!”

“JUSKO SANAOL COLET”

“Ang pinakaamaze ako baon ni Colet yung album sa China hahaha”