Sana lahat ay kagaya mo! Lalaking todo pag alaga sa kanyang asong aspin hinangaan ng mga netizen

Ibang klase din ang pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang alagang aspin.

May mga taong labis-labis ang pagmamahal sa kanilang mga alagang hayop. Kesehodang sila ang magtipid sa sarili, ay gagawin ang lahat para sa alaga.

Humanga ang mga netizens sa isang furparent matapos na mai-share ang isang larawan kung saan ang amo ay nakaupo sa papag habang nanunuod ng TV habang ang kanyang alaga ay prenteng-prente na nakahiga pa sa ilalim ng kulambo.

Hindi lamang iyon, napansin din ng mga netizen na nakabukas pa ang bentilador at nakatutuok pa sa maswerteng alaga.

Ikinatuwa din ng mga commenters na kahit na walang lahi ang aso at ito ay isang aspin, ganoon pa rin itong mahalin at alagaan ng kanyang bossing.

Hangang-hanga ang mga netizens sa lalaki at sinabing sana ang lahat ng tao ay may kapasidad na magmahal sa mga hayop ng tulad ng mamang ito.

“That’s unconditional love,” wika ng isa.

“I wish all humans had the compassion and love towards animals as you do sir.”

“Thank you po sa pagmamahal Kay doggie”

“Love and Compassion have no boundary”

“Yes, sana lahat ng tao may puso ng kagaya mo”