‘Sana all with honors!’ Mama dog, humakot ng awards sa isang paaralan sa GenSan

Netizens tuwang-tuwa kay “Mama Dog” matapos makakuha ng limang awards sa isang paaralan sa General Santos City.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Patok sa mga netizens ang video ng asong kinilala bilang si “Mama Dog” matapos nitong hindi magpatalo sa mga estudyante na bagong graduate ng Grade 6 ng Udagri Elementary School sa General Santos City.

Sa Tiktok video na pinost ni Teacher Fatima Madria Adtogan, makikita ang pagtanggap ni Mama Dog ng mga medalya bago ganapin ang formal graduation rites ng paaralan kung saan nagtuturo ang guro ng math.

“Syempre po di pahuhuli si Mama dog. Most Punctual Award, Most Behave Award, Most Loyal Award, Most Obedient Award, Best in Tulog and Kain Award,” kwento ni Teacher Fam, ang pangunahing caretaker ng aso.

@famanne13

Syempre po di pahuhuli si mama dog👏 Most Punctual Award ,Most Behave Award, Most Loyal Award, Most Obedient Award🥇Best in Tulog and Kain Award🥇😄 Congratulations mama dog 🎉 so proud of you ♥️🐾

♬ original sound – Famanne🏳️‍🌈

Bago humakot ng medalya, makikita na dahan-dahang nagmartsa papuntang stage si Mama Dog. Palakpakan naman ang mga estudyante at faculty members sa achievements ng kanilang masipag na resident dog.

Hindi naman kagulat-gulat kung may mga awards na nakuha ang aso dahil makikita sa mga TikTok post ng guro na always present ito sa mga ganap sa eskwela.

Nakiki-sit in rin ito sa kanyang mga lectures pati sa ibang mga activities ng paaralan tulad ng Drug Abuse Resistance Education pati class pictorial.

Maging mga netizens nagbigay ng virtual claps para kay Mama Dog:

“Perfect Attendance din pala si mama dog even sa Grad practice”

“sana all with honors”

“napaka ganda ni Mama Dog halatang alagang alaga napaka clean”

“Ka cute ni mama dog”

“congrats naman mama dog. hirap kaya whole year matulog sa school na may maingay students di ba?”