Kaysa tumambay sa mga mamahaling coffee shops para mag-aral o magtrabaho, nakakita ang mga netizens ng mas magandang alternatibo nang mag-post ang Valenzuela Public Library na tumaas ang bilang ng mga nagpunta rito.
Mula Pebrero hanggang Disyembre kasi ay nagtala ito ng mas maraming library visitors na magandang indikasyon na ang mga pasilidad nito ay nagagamit ng maayos ng mga mamamayan.
Marami namang netizens ang tila naiingit sa Valenzuela at nagsabing sana rin ay palakasin ng kanilang mga local na pamahalaan ang kanilang mga public libraries.
kung bakit kasi wala sa bayan namin na ganito e para di na kami magbabayad sa study hub na malapit sa amin tsk3 https://t.co/FaRQW3Fm87
— pagani, CPA2024 (@cpa2024_pagani) January 10, 2024
How i wish we get more public libraries in Iloilo ๐ฅน https://t.co/j9ahrjYVfc
— Anthony เนเธญเธเนเธเธเธตเน โ (@wwantton) January 9, 2024
ganda ditooo hindi lang library talaga sya may mga conference rooms where you can have a meeting with your groupmates (especially college students) and also training halls na gamit na gamit ng dc HAHAHAHA more libraries pa pooo https://t.co/vfiLCzPEuv
— shell (@xxxceed) January 8, 2024
Sa kanilang X account, makikitang talagang todo effort ang pamunuan ng Valenzuela Public Library para mahikayat ang mga mag-aaral na bumisita. Kabilang na dito ang pagbubukas hanggang hatinggabi para sa mga kailangang magsunog ng kilay
๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ (๐ฉ๐ฎ๐น๐๐๐)
๐๐ฎ๐๐ฐ๐ต ๐ฎ๐น๐น ๐๐ต๐ฒ๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฉ๐ฎ๐น๐๐๐ ๐๐ต๐ถ๐ ๐๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ!ValACE is open daily from Monday to Sunday, 9am-12midnight. Let us start the year right! #ValACE #AklatanNatinIto https://t.co/w4rsmqkQq2
— Valenzuela City Library (@valcitylibrary) January 2, 2024
Mayroon ding pakape (once a month) bilang moral support sa mga mag aaral!
๐๐ ๐ก๐๐ ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐ฉ๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ, ๐ข๐๐ง๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ง๐๐ข๐๐ฎ.โ๏ธ
Coffee night po ngayon sa Valenzuela City Library! Timplahan namin kayo ng kape once a month basta laging mag-aral ng maigi.โจ๏ธ#ValACEAtNight #ValACE pic.twitter.com/A5TKxIyj0n
— Valenzuela City Library (@valcitylibrary) January 18, 2024
Pinapanatili din nilang up to date ang kanilang mga libro at facilities para ready to use ng mga nangangailangan. Good job sa pamunuan ng library at sa mga magigiting na librarians na handang makipagpuyatan sa ating mga estudyante.