Tickets secured at nag-celebrate ang dalawang Joewahs sa TikTok matapos pumila ng tatlong oras para sa pinakainaabangang “Stardust,” ang third major solo concert ng OPM band na Cup of Joe.
Sa video, makikita ang dalawa na tumatalon habang may confetti na nagkataong star-shaped din, swak sa tema ng concert ng kanilang paborting banda. At dahil ramdam na ramdam ang excitement sa video, nirepost pa ito ng Cup of Joe vocalists na sina Gian Bernardino at Rapha Ridao ang video.
@michrosales_ After 3 long hours, worth it! SEE YOUUU JOEWAHS! 😭💝🫶🏻 @Cup of Joe @Raymark Alcazar #cupofjoe #ticketselling #cojstardusttheconcert Didn't expect na stars yung shape nung confetti! 🌟 Meant-to-be?! 🥹 #fyp ♬ Mananatili – Cup of Joe
Nagbahagi din ng kani-kanilang experience ang mga Joewahs sa comment section:
“Congrats po! Huhuhu kami naman, 5 hours nagbakasakali, refresh lang nang refresh pero wala paring nakuha 😭pakilakasan na lang po ang cheer sa boys, in behalf of us na mga sawi! ❤️🩹”
“tama nga si mama inggetera ako😭”
“sold out naaaa☹️☹️☹️ nakakaiyak pabili po”
Isang araw matapos ang ticket-selling, naglabas ng anunsiyo ang Cup of Joe na magkakaroon ng Day 3 ang “Stardust” para sa mga hindi pinalad na makabili ng tickets.
Sa community channel ni Gian, aniya’y “me & the boys r doing our best lagi in the best interest of our joewahs okayy 🫂 in every situation, kahit it’s out of our control. lagi kaming nakikinig. pls be kind sa dms 😭🥺”