Excited na ibinahagi ng isang wood works maker ang proyekto ng isang homeowner sa Merville Park Subdivision sa Parañaque City.
Dahil napapansin nitong may mga ilang stray cats ang gumagala sa subdivision na naghahanap ng masisilungan, ibinahagi ng may-ari ng John Wood Works na nagpagawa ito ng dalawang kubo para sa mga pusa na pwede nilang mapag silungan tuwing uulan o pag matindi ang init ng araw.
Hindi pinangalanan ni John ang homeowner na nagpagawa ng ganitong silungan ngunit mukhang dahil dito ay na-inspire din ang ibang cat lovers na magpagawa ng ganito ding proyekto para sa mga hayop na walang tirahan.
“What a very beautiful idea”
“Salamat po sa malasakit sa mga strays..”
“Npkbuti nyu po”
“Thank You po kay mam n nag pagawa God bless u more n more”