Sana all, Melai! Hwarang actor Do Ji Han, nakipagkulitan kay Melai Cantiveros

Ikinainggit ng mga fans ang pakikipagtrabaho ni Melai sa mga Korean oppas na sina Lee Seung Gi at Do Ji Han.

Ang haba naman ng hair ni Melai Cantiveros! Bukod sa pag su-shooting sa South Korea para sa kanyang comedy film na “Ma’am Chief,” ay napakaraming Korean oppas din ang nakilala at nakatrabaho ng komedyana.

Sa Manila presscon ng pelikula, dumating si Do Ji Han para pakiligin ang Pinoy fans at maging si Melai mismo. Isa siya sa mga Korean actors na nag-cameo para sa palabas.

( Courtesy: Gia Allana | Facebook)

Matatandaang si Do Ji Han ang isa sa mga actor na itinampok sa seryeng “Hwarang” kasama si Park Hyung Sik at Park Seo Joon. Huling napanuod si Do Ji Han sa mga seryeng “Lovers in Bloom” at “100 Days My Prince” kasama si Do Kyungsoo ng EXO.

Hindi lamang si Do Ji Han ang nakasama ni Melai sa palikula kundi maging si Lee Seung Gi na kilala sa mga hit Koreanovela na tulad ng “Korean Odyssey,” “Vagabond,” “Mouse,” at ang classic series na “My Girlfriend is a Gumiho.”

Ito naman ang mga komento ng netizens:

“Ikaw na talaga, Melai! Isa kang pinagpala.”

“Sana all melai…. Nakita na nya si Do Ji Han”

“Wow! Up close and personal, sana all!”

“hwarang ban ryu”