‘Sana all may romantic night life’: Product label ng isang mouse trap nagpa-LOL sa netizens

Laugh trip ang out of this world na product label ng isang mouse trap.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Umani ng katatawanan mula sa netizens ang isang video na tampok ang isang mouse trap product na may kakaibang mga labels at instructions kung paano gamitin.

Sa Tiktok video ni @enmysme, makikitang binabasa niya ang mga product labels at instructions ng isang mouse trap brand ng mapansin niyang walang kinalaman sa produkto ang nilalaman nito.

“Sumakit ulo ko rito mga madam! Binasa ko lang naman, sumakit na ulo ko HАНАНАНАНАНАНА,” sabi ni @enmysme.

Ito ang ilan sa mga nasa labels:

“Romantic rat night life The charming dashing habit is many The on the way fortune upons the strange monster Miserably and miserably and miserably!die.”

“If clothes are stained by mucus, you can first clean if with diesel oil and then wash it With detergents.”

@enmysme Sumakit ulo ko rito mga madam! Binasa ko lang naman, sumakit na ulo ko HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA #foryoupage #foryou #fy #fyppppppppppppppppppppppp #fyp ♬ original sound – enmysme

Napa-LOL naman ang mga netizens sa tila out of this world na product labels ng “Shenlida Sticky Mouse Board.”