Napa-sana all ang mga netizens sa relasyon ng dating magkasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia dahil tila walang masamang tinapay sa dalawang stars.
Katunayan, magkasama pa nga sa ipapalabas na pelikulang “Un/Happy for You” ang JoshLia kung saan muli silang magtatambal matapos mag-break sa totoong buhay at ngayon ay may kanya-kanyang partners na.
Ani Joshua sa isang interview sa ABS-CBN, “yes” agad ang tugon niya nang i-offer sa kanya ang project na magtatambal muli sa kanila ni Julia dahil matagal-tagal na rin silang hindi nagkasama sa trabaho.
“Before kasi mga teenager pa kami. Ngayon, I can say na siguro nag-mature na rin kami. Lumaki na kami, literal. Exciting lang, nagkanya-kanya kaming journey and parang ngayon magbabalikan kami sa pelikula,” paliwanag niya.
Para naman kay Julia, malaki na ang pinag-iba nila ni Joshua pero sa magandang paraan naman ito. Aniya, muli nilang nakilala ang isa’t isa matapos ang matagal na hindi pagsasama sa isang proyekto, pero naroon pa rin ang magic ng kanilang professional relationship.
“It feels so the same and different at the same time. Different is good because it means that over the years, parang nag-evolve na kami as people and as actors as well,” ani aktres.
“It’s nice that we’ve grown a lot in those past years. And as we come together, we get to learn new things about each other from each other while we’re working. It’s really been a good and fun experience doing this with Joshua all over again. Iba talaga yung dynamic naming sa trabaho. It’s special,” sabi pa niya.