Kinainggitan ng mga fellow cat lovers ang isang furmom dahil napakababait ng dalawa nitong alagang pusa na matiyagang naghihintay habang sila ay pinapaliguan.
Ayon sa mga netizens, maswerte si furmom Madel Relata dahil sa pagiging well behaved ng kanyang mga alaga na sina Jabee at Apul habang ang mga ito ay pinaliliguan at kinukuskusan sa isang batya.
Matatalino din ang mga pusa dahil tila alam nila kung sino ang nakasalang at kung sino ang dapat munang maghintay. Matapos maligo at mashampuhan ang mga pusa ay binalot na sila ng kanilang furmom sa kanya-kanyang tuwalya.
Madami namang mga furparents din ang nanghingi din ng advice dahil talagang kadalasan ng mga pusa ay ayaw na ayaw maligo.
(Courtesy: Madel Relata/facebook)
“huhu sana all ang babait. maligamgam po ba yung tubig or medyo malamig? trinay ko kasi maligamgam nakalmot pa rin ako hay haha”
“Ang babait nmn liguan nmn mga babies nyo mam .. Ung akin karibok na hahaha”