Sana all guardian angel ng taklesang tita, wish ng karamihan sa Pasko

Mukhang sumuko na ang guardian angel ng karakter ni Justin Luzares sa kanyang post.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung mayroong hiling ang karamihan sa panahon ng Kapaskuhan, marahil ito ay katahimikan mula sa mga taklesang tita na mahilig magkumpara at maghanap ng mga jowa.

Kaya naman ang content creator na si Justin Luzares, napaisip kung uubra ba kung sakaling mayroong bitbit na guardian angel ang mga tita sa mga Christmas reunion.

Aliw naman ang dala nito sa netizens:

“Di ko kinaya yung comment kay Junjun ‘Islayyyyyy’ eyyy”

“Tawang tawa ako sa reaction ng Angel”

“At least nakakain si angel kahit nahirapan kay madam. Baka mag resign na sa position as guardian angel”

“Guardian angel na ang nahihiya HAHAHAHAHHAHAHA”