Sana all! Graduation sa Hawaii nagmistulang garden sa dami ng mga garland

Ipinamalas ng isang Pinoy kung paano mag-celebrate ng graduation sa isla ng Hawaii.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung sa Pilipinas ay nauuso ang money garland, kakaiba naman ang tradisyon pag graduation sa Hawaii dahil paramihan ng nakasabit na leis ang mga magtatapos.

Isang Pinoy ang nag-share ng nakakatuwang tradisyon na ito na tila nagmistulang garden na ang auditorium dahil sa dami ng flower garland na nakasabit sa mga estudyante.

Maraming Pilipino na mula sa Hawaii at Guam ang nagsabing ito ay isang tradisyon na pinapahalagahan nila. Katunayan, malungkot daw ang mga magtatapos kung hindi sila sinasabitan ng bulaklak sa kanilang big day.

(Binukid/Facebook)

“Hello it’s a big deal dito sa Hawaii ang makagraduate ang mga anak and it’s a tradition yan dito and that’s how we celebrate graduation day”

“I’m a Filipino but I have lived in Guam for few years, Yes that’s how they celebrate Graduation day. They’re Islanders.”

“Wala ng tatalo pa sa dami ng garland”