Hindi mawari kung matulungin lang ba talaga ang isang alagang puspin o asar na asar na ito sa amo na matagal nang hindi inililigpit ang nakasampay na labada kaya’t ito na lang ang gumawa ng paraan para magligpit nito.
Ayon sa netizen na si Honey Fadriquilan Guinto, natawa siya sa ginawa ng alaga dahil totoo namang isang lingo nang hindi niya naililigpit ang natuyo niyang sinampay.
Hanga naman ang mga netizens na nakakita sa video dahil magaling ang teknik ng pusa sa pagtanggal ng mga sinampay nang hindi pa ito nahuhulog sa sahig.
“Muning pgtapos nyan ginagawa mo tupiin mo yan. Tapos ilagay sa kabinet. Magwalis ka na din ng bahay”
“Very smart cat…love u”
“Ang smart nman nyan!”
“Ming, yung sa bahay pakidamay din.”
“Saan po nakakabili nyan?”
“Buti ang pusa marunong tumulong”