San nakakabili? Lucky pick pen, para sa mala-tsambang sagot sa multiple choice

Maraming netizen ang natuwa sa ideya ng lucky pick ballpen para sa mga estudyanteng hindi nag-aral para sa exam.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Para sa mga estudyanteng hindi nag-aral, savior ang multiple choice. Paano, may instant 25% chance nga naman na maging tama ang sagot mo.

Ang isang estudyanteng ito, may naisipan para lalong mapadali ang panghuhula sa multiple choice. Ang solusyon, ballpen na may spinning letters.

Papaikutin lang ang ballpen at ito na ang magbibigay ng sagot. Ang big brain diba?

Obserbasyon naman ng ilang netizen matapos i-testing, may tumatama ding mga sagot kaya tuloy nainggit din sila at gusto rin magkaroon ng multiple choice pen.

(Joe Mark Belino Tumaque/FB)

“surprisingly, Item #11 is answered correctly by this pen. Now I want one”

“101% accurate sa kangkungan haha”

“Lucky pick ballpen”

“Congrats bagskabkana”