Pinatunayan ng cute na cute na anak ni Jhong Hilario na manang-mana siya sa kanyang daddy lalo na sa galing sa pagsasayaw ng magsampol ang mag-ama sa isang reels video ni Baby Sarina.
Nakiuso ang mag-ama sa trending na kanta ni Bangsamoro pop queen na si Shaira na “Selos” at kitang-kita naman kay Sarina ang kanyang pagkabibo at hilig sa camera.
Tuwang-tuwa naman ang mga netizens na mapanood ang naisipang bonding ng mag-ama at sinabing talagang may talent si Sarina na mag artista ngayon pa lang. Si Jhong, na isa sa mga hosts ng “It’s Showtime” ay kilala bilang “Sampol King” dahil hindi ito umaatras sa kahit anong hiling pagdating sa pagsayaw.
Sakto naman kay Sarina ang bansag na “Sampol Princess” kung nagkataon.
(Courtesy: Sarina Oceanía Azores Hilario/FB)
“An example of a simple family man..our SAMPLE KING WITH HIS SAMPLE LOVING PRINCESS SARI.”
“Konting panahon pa bebe Sari, kuha at master mo na ang dance skills at moves ng Daddy Jhong mo. Galing galing talaga, so talented baby, very cute pa. God bless you always.”
“ang cute naman ng mag ama ibang klase bonding love nila ang isat isat lahat sana may anak ganya sila”