Napakaraming tawa ng mga cat lovers na may alagang maraming pusa dahil tiyak nakaka-relate sila sa isang video at voice over ng isang cute na muning habang naglilitanya tungkol sa rant ng kanyang furmom.
Ayon sa pusa, nagra-rant daw sa kanya ang kanyang furmom dahil ubos na ang kanilang wet food at litter sand, at kahit gusto niya itong intindihin ay mas nag-alala siya sa sarili niyang kapakanan nung malaman niya ang mga pinoproblema nito.
Batay naman sa OP na si Wisa, tuwing may sale na lang, ang laman ng kanyang check out cart ay mga cat food at gamit ng kanyang mga furbabies dahil love na love niya ang mga ito.
(Courtesy: Wisa and The Cattos/Facebook)
“Ako kht wala ako ulam basta may catfood sila ok lang subrang love ko sila mga pusa na mga napulot binigay at mga gala hay di ko sila matiis masaya ako pagsila nagtatawag saakin nawiwili tlga ako sa boses nila loveu ko sila tlaga”
“Ako nakalimotan ko ng bumili ng pampaganda ko,napunta sa pusa koo,pero ok lng”
“Ang ganda nman ng pusa mo”
“Mas kawawa Ako kinuha space ko”
“Hi relate ubos sahod lagi Pero ok LNG mahal nmin ang 8cat nmin”