Saludo sa iyo, kuya! Funeral para sa pumanaw na alaga, umantig sa mga animal lovers

Hinangaan ng mga netizens ang pagmamahal ng isang furparent sa yumaong alaga at sa pagdadaos ng funeral para dito.

Umantig sa damdamin ng mga neizens ang post ng isang pet parent na nawalan ng kanyang minamahal na alaga at nagdaos ng funeral para dito.

Sa isang post ng Jace South Paw, ibinahagi ng netizen na nagtaka siya na ang isang mortorsiklong bumabaybay sa daan ang hindi man lang sumingit o nag-overtake gayong napakaraming pagkakataon para gawin niya ito.

Nang makalapit, doon nabasa ng poster ang dahilan kung bakit dahan-dahan lang ang takbo ng nagmomotor.

“My dog just died. Please slow down. Funeral,” nakalahad sa papel na mayroon pang larawan ng namatay na aso.

Pinuri ng mga netizens ang paraan ng fur parent para maihatid sa huling hantungan ang nawalang alaga.

“Condolence kuya ramdam ko ang sakit ng mawalan ng alaga nting aso at pusa Run free baby”

“Saludo s iyo Sir.. nagbigay ng Tapat n Pagmamahal s kanyang Kaibigan… Run Free”

“Respect… ”

“Ur a good fur parent sir salute to ur kindness and loving furparent and run free doggy..”

“Run free doggy.. keep safe sa pagdrive kuya. Salute sayo”

“Sana lahat ganyan”