Saludo! Pinoy summa cum laude sa Yale University, nakakuha ng perfect GPA

Nagtapos si Dion Stephan Ong bilang summa cum laude na may perfect 4.0 GPA sa Yale University nitong buwan.

Isang estudyanteng Pinoy ang ginawaran ng pinakamataas na karangalan sa prestihiyosong Yale University sa Estados Unidos dahil nakamit nito ang perfect 4.0 grade point average (GPA) nang magtapaos ito kamakailan.

Isa si Dion Stephan Ong, 21, sa mahigit 4,000 estudyanteng nagmartsa sa ika-323 commencement rites ng unibersidad nitong linggo.

Mayroong combined degrees sa Bachelor of Science at Master of Science in Computer Science si Dion, at dahil perfect ang kanyang GPA, ginawaran din siya ng Distinction in the Major at ng Yale Science & Engineering Association Senior of Distinction award. Na-induct din siya bilang miyembro ng “honor society” ng Phi Beta Kappa.

Ayon sa ulat ngĀ Philippine Star, top achiever si Dion sa Ateneo de Manila University, kung saan nagtapos siya ng kanyang elementarya (2014), high school (2018), at senior high (2020). Valedictorian siya sa kanilang batch sa senior high school.