Mula sa 64 artists, apat na lang ang natitira sa Billboard Fan Army Face Off at isa sa mga natitirang matibay ay ang SB19.
Matapos mapataob ang fandom nina Tate McRae, Ariana Grande, Post Malone, at Shaboozey, nakikipagtunggali naman ngayon ang A’TIN sa supporters ni Sabrina Carpenter sa isang matinding laban.
Buti na din lang at marami ang nagmamahal sa Mahalima kaya’t pati ang ibang fandoms ay tumulong na din para makaungos sa botohan. Ang Nameless fandom ng AHOF, ang Popsters ni Sarah G, ANCHORs ng Hori7ON, fans ni Julie Ann San Jose at Empress Schuck ay nagsanib pwersa para bumoto maging ang mga Taiwanese fans ng SB19.
https://x.com/louiereyasher/
Lets Vote Na Ulit Para Sa Mga Kuya
Anchors If You Have Time Pls help Our Couzin A’tin To Win This #SB19#HORI7ON pic.twitter.com/rnVPoLCw5T— HORI7ONATION OFC (@HORI7ONnation) August 14, 2025
AHOF and JL fans pls vote for SB19 on BBFA 🙏💙 Like how A’tin helped and supported us during the Universe League days of JL and Team Rhythm ❤️🔥https://t.co/A5DZSdgbKu#SB19 @SB19Official #AHOF #AHOF_JL
— Meow 𓍼ོ | 열 ᡣ𐭩 (@neumunn) August 14, 2025
Kaya naman sa malaking agwat ng boto, nakahataw pa ang Mahalima ilang oras pa bago matapos ang botohan para sa finals kung saan maaari nilang makalaban ang Selenators ni Selena Gomez o Smilers ni Miley Cyrus.
Dalawang taon nang nanalo ang A’TIN sa Billboard Fan Army Face Off kaya’t kung papalarin ay pwedeng maging pangatlong taon na din ng SB19 na manalo ng award para sa kanilang mga fans.