Salamat, manong! Libre gamit ng abaniko para sa mga pasaherong naiinitan, naisipan ng isang driver

Puring-puri ng mga netizen ang ideya ng isang jeepney driver na magpagamit ng mga abaniko para mga pasaherong galing sa initan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil sa sobrang init ng panahon sa PIlipinas ay kanya-kanyang paraan ang mga Pinoy para mapreskuhan. Mayroong bumibili ng mga rechargeable fan sa Shopee at Lazada. May mga nagdadala ng malalaking payong at merong laging bitbit ang bote ng tubig.

Isang jeepney driver sa San Pablo Laguna ang pinuri ng mga netizens ng makunan sa San Pablo Laguna Spotted page ang kanyang jeep kung saan maraming abaniko ang nakasabit sa hawakan. Pwedeng gamitin ng mga pasahero ang mga pamaypay na nakasabit para panandaliang maibsan ang nararamdamang init dahil sa mala-disyertong temperatura na dulot ng El Niño.

Laking pasalamat naman ng mga nakakita at sinabing malaking tulong ang naisipan ng driver lalo na sa mga bagong sakay galing sa pagkakabilad.

“Wow kuya galing mo nmn po,.sna ganyan lahat Ng driver my concern sa mga pasahero”

“Napaka thoughtful sa mga pasahero ang jeepney driver. Hope tularan sya ng marami.”

“Wow galing naman Ng naisip ni kuyang driver salute Po sir”

“Good job kuya galing mo mag icip malaking ng tulong yan para mga pasahero god bless”