Kahit maraming pagsubok ang dumating sa kanilang pagsasama ay mananatiling matatag ang singer na si Angeline Quinto sa piling ng kanyang asawang si Nonrev Daquina.
Wika ni Angeline, hindi basta-basta matitinag ang kanilang pagsasama dahil hindi siya iniwan ni Nonrev noong panahong kailangan niya ng kakampi. Aniya, si Nonrev din ang naging inspirasyon niya sa pagkakataong nawawalan siya ng pag-asa.
Matatandaang kailan lamang ay ginanap ang church wedding ni Angeline at ni Nonrev na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at kaanak sa loob at labas ng showbiz.