Saktong budol! Istorya ng painting ni Juan Luna na nabili para sa Php700, patunay sa galing ng Pinoy sa tawaran

Ang pagkakabili ng isang mahalagang painting ni Juan Luna para sa presyong Php 700 ay isang patunay sa galing ng Pinoy sa tawaran.

Hindi lingid sa mga Pinoy na si Juan Luna ay isa sa mga pinakatanyag na pintor ng kapanahunan niya kaya’t ang kanyang mga obra ay nagkakahalaga ng milyon at talagang itinatampok sa mga museo at bahay ng sining. Siyempre ang price tag ng mga obrang ito ay hindi bababa sa milyon.

Kaya naman sa isang educational video ng Ayala Museum, gulat na gulat ang mga netizen na malamang ang isang painting na ginawa ni Juan Luna ay nabili lang ng isang Pilipina sa Madrid sa halagang 700 pesetas o Php 700 sa isang flea market.

Ang nakabili ng painting ay isang babaeng nagngangalang Dona Paz Zamora Mascuñana na naglalakad lakad lamang sa flea market noong panahong iyon. Nakita niya ang portrait ng Spanish Lady na may pirma ni Juan Luna at napansin niyang hindi alam ng nagtitinda ang tunay na halaga nito. Kaya’t nagkunwari siyang naghahanap ng kahit anong painting na may babae na kanyang mai-didisplay sa kanyang bahay.

Ang siste, mula sa presyong 800 pesetas ay natawaran pa ito ni Doña Paz ng 700 pesetas kaya’t matapos magbayad, siya na ang nag may-ari ng portrait na La Marquesa de Monte Olivar ni Juan Luna na iginuhit noon pang 1881.

Nagbahagi din ang ilang netizens ng kanilang mga sulit finds. Ang isa naman sa mga commenter na nagngangalang Anette David ay nagsabing siya ang apo ni Doña Paz at talagang naka display nga ang painting sa kanilang lumang bahay sa Ermita noong kabataan niya.

“Doña Paz Zamora Mascuñana was our grandmother, and we grew up with this painting in our old family home in Ermita,” aniya.

“Almost similar story when I stumbled upon a book of Dr. Jose Rizal. I bought it at 600 pesos together with other Filipiniana books as one lot sale. Not known to me. It was a first edition of Sucesos of Dr. Rizal!,” kwento naman ng isang netizen.