Sa unang pagkakataon, magpapadala na ng kinatawan sa Miss Universe pageant ang Saudi Arabia. Inanunsyo ito mismo ng kandidata ng Saudi na si Rumy Alqahtani sa kanyang Instagram account.
“Honored to participate in Miss Universe 2024,” masayang isinulat ni Rumy sa Arabic.
Isang fashion model si Rumy na kumatawan na rin sa Saudi Arabia sa ibang mga pageants tulad ng Miss Planet International at Miss Global Asia.
May iba pang mga bansa na magpapadala ng kauna-unahan nilang kinatawan sa prestihiyosong pageant, tulad ng New Zealand, na kakatawanin ni Filipino-Kiwi actress na si Franki Russell.