Sakristan ang past life? Asong sumabay sa prusisyon ng isang misa sa Cavite, kinaaliwan ng netizens

Mga nagsisimba at netizens aliw na aliw sa asong sumama sa entrance procession ng misa sa Imus Cathedral.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Sa tuwing pagsisimula ng Banal na Misa, taimtim na lumalakad ang mga pari, lay minister, at sakristan sa gitna ng simbahan papunta sa altar.

Kaya ganun na lang ang pagkagulat at pagkatuwa ng mga nagsisimba sa Imus Cathedral matapos sumama sa paglalakad ang aso ng isa sa mga sakristan.

Sa isang TikTok post ni SakrisChan, makikita ang isang aso na nakasunod at kagat-kagat pa ang lubid na nakatali sa bewang ng isang sakristan na magsisilbi sa misa sa Imus Cathedral sa Cavite.

“Ang kyotttt! HAHAHA” caption ni SakrisChan.

@sakrischan Ang kyotttt! πŸ˜‚ HAHAHA #sakrischan #altarserversimus #dogsontiktok ♬ 강아지 κ°™μ•„ – λΈŒκΈˆλŒ€ν†΅λ Ή

Panalo naman maging sa mga netizens ang video ng aso. May mga nagkomento pa na parang si San Roque at ang kanyang aso daw ang dating ng video.

“San Roque, where you at? Doggie is here!”

“gusto din nya mag sakristan HAHAHA”

“wow amazing, gusto yata Mag sakristan”

“naka tuwa tingnan, remind me of san roque.”

“C dogie ay dating sakristan s previous life nya”