Mahirap talagang maging girl dad, lalo pa kung kolektor ka ng mga Gundam at iba pang mamahaling action figures. Pag ang anak na ang humiling, mahirap nang humindi.
Kaya naman ang girl dad ng Daddy Diaries, humingi na lang ng sorry sa kanyang mga Gundam action figures matapos itong mapagtripan ng mga anak niyang babae na isali sa paglalaro ng kanilang dollhouse.
Sa kanyang mensahe sa kanyang mga Gundam, nangako siya sa mga ito na matapos silang iligpit ay muli niyang ididikit ang mga brasong nabali.
Marami namang daddies din ang naka-relate, pero dahil sa pagmamahal sa kanilang mga anak ay sige na rin lang at hinahayaan na ang kanilang koleksiyon na maging laruan ng mga ito.
“Hahahaha ang kulit! Pero para sa childhood niya yan thank you, da for letting Aka play with your Gundam hehe”
“Sakit neto kung Master Grade. Hahahaha”
“Masakit pero kelangan magpaubaya Saludo sayo lods”
“safe yong akin nasa isang kwarto lang..”
“Tama yan mas mahalaga Masaya sila kesa naman na indi at kahit masira yan mapapalitan mo naman pag indi mo na maidiket bigay mo sakin”