Isang teacher na superfan ng Gilas PIlipinas star na si Dwight Ramos ang nakatanggap ng hindi malilimutang sorpresa matapos mag-viral ang kanyang mga estudyante sa paggaawa sa kanya ng isang AI-generated greeting para sa Teacher’s Day.
Nang makita kasi ng girlfriend ni Dwight ang saya ni Ma’am sa AI greeting ng basketball star ay nag-comment ito at nag-offer ng totoong greeting mula kay “Saint Dwight.”
@e.l.l.a433 HAHAHAH tuo pd syan😭😆 #dwightramos #teachersday #ffypシ #ai ♬ QKThr – Aphex Twin
True to her promise ay napadalhan nga ni Kianna ang teacher ng tunay na video greeting mula sa kanyang idol, isang bagay na ikinatuwa ng mga netizen.
@e.l.l.a433 real sir Dwight Ramosss omgggg 😭😭🥹😫 kilig much talaga
Humanga din ang mga commenters sa pagiging down-to-earth ng mag jowa dahil sa effort nilang mapagbigyan ang fan. Humiling din ang ilan na makita ang reaction ng teacher kapag napanood na ang tunay na video.
“napaka angas, yung jowa pa talaga ni dwight ramos ang nag offer para maging totoo yung greetings”
“Acckkkkkk best boy with besstttt girlfriend !!!!”
“Reaction ni Teacher please 😭😂”
“wow, best gf talaga si @Kiannady sobrang bait🥰❤”