Good news para sa mga nars na nagtatrabaho sa mga pampublikong ospital: tataas na ang kanilang buwanang sahod pag sapit ng bagong taon.
Ayon kay Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo, ang monthly salary ng entry-level government nurses ay magiging Php40,208 na mula Php38,413 simula Enero 1, 2025.
Sa ngayon, ang entry-level nurses sa mga ospital ng Department of Health ay kumikita ng Php38,413 kada buwan, na 4.9% na mas mataas kumpara sa Php36,619 noong 2023, ani Rillo, miyembro ng House Committee on Appropriations, ayon sa ulat ng The Manila Times.
“The P38,413 will further increase to P40,208 effective January 1, 2025; to P42,178 effective January 1, 2026; and to P44,148 effective January 1, 2027,” paliwanag ni Rillo.
Dagdag pa niya, ang pagtaas na ito ay dahil sa Executive Order 64 na nag-update sa sahod ng mga civilian government personnel. “The adjustments translate to a cumulative 20.5 percent pay raise over four years,” ani Rillo.