Sadboi yarn? Motorcycle intercom brand, naghiganti kay Boy Dila gamit ang isang spoof video

Kahit sa spoof video ay naiganti ng isang motorcycle intercom brand ang mga naperwisyo sa basaan sa piyesta ng San Juan City.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Marahil marami sa mga Pinoy ang hindi natuwa sa naging basaan sa ginanap na piyesta ng San Juan kung saan maraming mga empleyado at estudyante ang naapektuhan sa taunang ritwal ng pambabasa sa mga dumadaan.

Pero ang isang brand ng motorcycle intercom ang nakakita ng oportunidad upang palitan ng saya ang gigil na nadama ng karamihan sa tulong ng kanilang ad.

Sa isang spoof video, itinampok ang nag-viral na si Boy Dila at ang kanyang mga katropa habang nambabasa ng mga motorista upang mang-asar at mang-inis.

Kahit napaiyak nila ang ilang mga biktima na naligo sa tubig habang nakasuot ng uniporme, ipinakita sa video ang isang rider na walang pakialam habang siya ay binubuhusan ng timba-timbang tubig at binabasa ng water gun.

Bagkus, enjoy na enjoy pa ito habang siya ay binabasa ng mga nakiki-piyesta. Dahil hindi nito nakuha ang reaksyon na kanyang inaasahan, tila na-depress si Boy Dila at napaisip kung bakit hindi nag-alala ang kanyang naging biktima sa pagkabasa ng kanyang kagamitan.

Yun naman pala ay waterproof ang brand ng motorcycle intercom na kanyang ginagamit. Natuwa naman ang mga tao na kahit sa patawang video ay nagkaroon sila ng hustisya laban sa kinaiinisan nilang si Boy Dila.

“sadboi bigla si Boy Dila e”

“SYA LANG YUNG BINASA NA MASAYA PA HAHAHHA”

“Galing ng promotion!”

“Bleh! Waterproof kaya yan!”

“Hahahaha galing mga sir”

“Solid haha”