Laugh trip ang naging dulot ng isang di pagkakaunawaan sa pagitan ng isang restaurant at isang customer na nag-iinquire lang sana kung pwedeng maka-order.
Sa usapan na ibinahagi ng Jesus Panciteria ng Marikina, kinukumpirma ng sana’y customer kung talaga bang sarado ang restaurant sa araw na iyon dahil napadaan ang kanyang pinsan at nakitang closed nga sila.
Sa kasamaang palad, ang pagkakaintindi ng may-ari ay nag-pass away (sumakabilang buhay) na ang pinsan imbes na pass by (napadaan lang). Kaya naman agad itong nagpaabot ng pakikiramay at nagsabi ng condolences sa customer.
Natawa na lang ang may-ari nang mapagtanto ang kanyang pagkakamali at siya pa ang naglaglag sa sarili niyang kasabawan.
Aliw naman ang dulot ng magulong usapan sa mga netizens bilang pambungad sa 2025.
“Unang katangahan sa 2025”
“Passed out, passed by, passed away!”
“Nag pass away naman bigla yung cousin ni sir”
“Grabe ka nmn jesus…hindi porke jesus ang name mo eh ikaw na ang magdedesisyon kung kelan mamatay ang tao ha…”