Sa lawak ng campus, bawal magkopyahan: Guro, flinex ang kanilang ‘no cheating’ strategy

Sa layo ng distansya ng bawat upuan, hindi pwedeng hindi mag-aral ang mga estudyante ng Nueva Ecija University of Science and Technology - Gabaldon Campus pag may papalapit na exam.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Flinex ng isang guro sa Nueva Ecija University of Science and Technology – Gabaldon Campus ang laki ng kanilang campus sa pamamagitan ng pagpapadala ng larawan kung paano mag-exam ang mga estudyante nila.

Imbes kasi magsumiksik sa isang maliit na classroom kung saan mas madaling magkopyahan, inilagay ng paaralan ang mga upuan sa magkabilang dulo ng daanan para malayo ang agwat ng mga mag-aaral sa isa’t isa.

Hindi lamang yun, preskong presko din ang mga bata dahil nasa ilalim sila ng lilim ng malalaking puno at malayang dumaloy ang hangin sa kapaligiran.

Ipinadala ng gurong si Alvin Valdez ang nakakapreskong eksenang ito sa Bayan Mo Ipatrol Mo ng ABS-CBN.