Aliw na aliw ang mga netizens sa Korean content creator na JinHo Bae dahil sa sobrang pagka-Pilipino nito. Sabi nga ng ilan parang mas Pilipino pa si JinHo kaysa Koreano.
Nabasa ni JinHo ang ilang mga comments ng kanyang mga followers na nagsabing baka dahil sa sobrang tagal na niya sa bansa ay nakalimutan na niya kung paano magsalita ng kanyang sariling wika.
Sa isang makulit na video, nag-praktis si JinHo kung paano magsalita ulit ng Koreano ngunit ang lumabas sa kanyang bibig at Korean accent lamang pero salitang Tagalog pa din.