Rosmar sakalam! Vlogger nanorpresa ng animal rescue, namigay ng dog food, bigas, vitamins atbp

Naghandog ng malaking sorpresa ang negosyante at influencer na si Rosmar sa isang animal rescue.

Matapos maantig ang puso sa kalagayan ng 650 rescue dogs sa pangangalaga ng Animal Rescue Ph, kinansela ng vlogger at negosyanteng si Rosmar Pamulaklakin ang kanyang mga lakad at pumunta sa site para magdala ng 100 bag ng dog food, 500 kilo ng bigas, 100 litro ng madre de cacao at P50,000 bilang suporta sa kanilang adbokasiya.

Ayon sa Animal Rescue Ph, malaking struggle para sa kanila ang kumalap ng pondo para maalagaan at mapakain ang 650 nilang rescue dog sa araw-araw. Pahirapan din ang ginagawa nilang pag la-live at pagkatok sa puso ng mga taong may mabubuting loob para sa mga hayop.

Ngunit naging malaking blessing para sa kanila nang napanood sila ni Rosmar na agad nag-desisyon na maghatid ng tulong sa kanilang headquarters.

Tuwang-tuwa din ang mga aso na tila nakaunawa sa biyayang dumating sa kanila.

“Minsan talaga may pinapadala ang Diyos na instrumento para matulungan tayo yung tipong pasuko ka na dahil nawalan ka ng pag-asa pero tutulungan ka niya na bumangon muli at kumapit lang dahil habang may buhay meron pag-asa,” anila.

Bumuhos naman ng papuri ang netizens sa naging aksyon ng vlogger:

Sana marami pa na vlogger ang tumulong sa Animal Rescue PH . Mahal na mahal nila at alagang alaga talaga nila ang mga aso at pusa

Mas humahanga ako sa mga taong may malasakit sa hayop kesa tao.. thank you mam napaka solid

Good job po rosmar sana lagi po kau ganyan sa mga dog shelter god bless po rosmar tan bulaklakin.