Naging inspirasyon ng maraming kabataan ang bagong tanghal na Miss Iloilo na si Alexie Mae Brooks. Sa katunayan, marami ang umidolo sa gulay vendor mula sa Leon, Iloilo lalo na ng malaman ang kanyang istorya.
Ayon sa isang report ng Spot.ph, laki sa lola si Alexie habang ang kanyang ina ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Habang nag aaral, naging miyembro siya ng National University Athletics team na nagrepresenta sa Pilipinas sa Southeast Asian Games. Matalino din si Alexie at nakakuha ng scholarship sa University of Southern California at University of Texas matapos grumaduate sa Iloilo National High School.
Sa kabila nito, inamin ni Alexie na hindi naging madali ang kanyang buhay eskwela dahil lagi siyang nabu-bully dahil sa kanyang kulay at dahil sa kanilang kahirapan.
Ngunit ang pinakatumanim sa isip ng mga Ilonggo ay ang pagmamahal ni Alexie sa kanyang lola na palagi niyang tinutulungan sa pagtitinda ng gulay sa palengke.
Sa isang viral na video, makikita ang ilang kabataan naghihiyawan nang masilayan ang kanilang bagong Miss Iloilo.
Ayon sa OP, dahil sa istorya ng tagumpay ni Alexie, maraming kabataan ang tumuturing sa kanya as role model at inspirasyon.
“They are so proud very very much”
“Hehe kakatuwa Naman Ang mga reaction NILA..kahit Naman sino magiging Proud talaga sa kanilang Queen”
“Cute Ng reaction…mkita sa mata Ang pghanga”