Sobra-sobra ang pasasalamat ni Rochelel Pangilinan sa mga fans ng “Pulang Araw” na araw-araw nagpapaulan ng papuri para sa kanyang natatanging pagganap sa period drama.
Hindi naman kasi biro ang ipinapakitang emosyon ni Rochelle para sa kanyang pagganap bilang Amalia, isang ina at asawa na pinwersang gawing comfort woman ng mga sundalong hapon upang matunton ang kanyang asawa.
Bilib din ang mga avid viewers ng show na mapapanood sa GMA 7 at sa Netflix sa lalim ng hugot ni Rochelle bilang isang ina na gagawin ang lahat para maprotektahan ang kanyang anak.
“Thank you sa mga pangmalakasang feedback!! 💖 Naramdaman ko na superstar ako haha dami ulit nag papapicture and ibat ibang generations! Seriously, di ako makapaniwala at nakaka overwhelm ang appreciation nyo kay Tiya Amalia at sa akin,” aniya.
Nagmistulan ding cheering section ang mga threads para mapaghigantihan na ni Amalia si Lauro (Neal Ryan Sese) para sa kanyang kataksilan.
“Ginalingan mo masyado kaya madami galit kay Lauro.”
“Excited na kami sana mataga mo na si Lauro”
“Pang best actress ang acting mo sa pulang araw… ang layo na ng narating mo”