Pasok sa mga entries sa Seoul International Drama Awards ang “Roadkillers” ni Nadine Lustre, at “Safe Skies Archer,” na pinagbibidahan nina Krissha Viaje at Jerome Ponce.
Kasama din sa ipinasa para sa consideration ng award-giving body ang mga seryeng “Royal Blood” at “Love Before Sunrise” ng GMA 7 at ang “Cattleya Killer” at “Linlang” ng ABS-CBN.
Sa darating na buwan, maglalabas na ng pormal na nominado ang mga hurado mula sa 346 na dramas galing sa 48 na bansa para maglaban-laban para sa awarding na gaganapin sa Yeouido KBS Hall sa Setyembre 25.