Road rage na nakaka-good vibes! Dalawang cute na aso, nagkainitan sa kalsada

Aliw ang netizens sa cute na road rage na naganap sa pagitan ng dalawang asong angkas ng kotse.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kung karaniwan ang road rage ay kinatatakutan, iba naman ang naging feeling ng mga netizen na nakakita ng video ng dalawang asong nagkainitan sa daan. Paano ba naman, napaka-cute naman ng dalawang asong nagkakaangilan habang nakadungaw sa bintana ng kotse ng kanilang mga amo.

Sa video ni @‌kimscustodio1 makikita ang isang maliit na aso na tila naghahamon sa isa pang aso na nakadungaw din sa bintana ng passenger seat ng kanilang sasakyan. Ang mga amo naman, imbes na pigilan ang mga nag-aamok na furbabies, lalo pa silang binuyo dahil sa ka-cute-an.

@kimcustodio1

MAKATI ROAD RAGE

♬ original sound – Kimberly Anne

Kanya kanyang kampihan din ang mga miron ng internet:

“Masyado po ma ere yung Pom! Ayaw pa areglo!”

“eto lang ang away kalsada na tinatanggap ko”

“grabe maka-atittude ung nasa red car”

“Hindi ka man lang tinignan kito parang gusto niya ipamuka sayo na hindi kayo magka level”